Menu
Philippine Standard Time:
FOI
Transparency
DepEd Parañaque

LOCATION

CONNECT WITH US

announcement

PAANYAYA SA OPLAN BALIK ESKWELA 2026

Sa nalalapit na pagbubukas ng taong panuruan 2026–2027, buong puso po naming inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, mga stakeholder, at mga kasapi ng komunidad na makiisa sa Oplan Balik Eskwela 2026 ng Sto. Niño National High School.

Ang programang ito ay naglalayong tiyakin ang maayos, ligtas, at handang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtutulungan at bayanihan ng buong komunidad.

Paano kayo makakatulong?

Paglilinis at paghahanda ng mga silid-aralan at paaralan

Donasyon ng school supplies, kagamitan, at iba pang pangangailangan ng paaralan

Paglahok sa mga aktibidad ng Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela

Pagbibigay ng suporta upang maging handa ang ating mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase

Lugar: Sto. Niño National High School

Taong Panuruan: 2026–2027

Sa pangunguna ng aming OBE Task Force, sama-sama nating ipakita ang diwa ng pagkakaisa at malasakit para sa edukasyon ng bawat kabataang Sto. Niño.

Ang tagumpay ng edukasyon ay bunga ng sama-samang pagkilos ng paaralan, pamilya, at komunidad.”

Maraming salamat at inaasahan namin ang inyong pakikiisa.

RECENT NEWS AND EVENTS

office memo no. 23 s. 2022

CALENDAR

ANNOUNCEMENTS

The start of Early Registration for School Year 2026-2027 is on January 31, 2026.

EVENTS

COUNTER VISITOR

48136
Visit Today : 17
Visit Yesterday : 34
This Month : 517
This Year : 8556
Total Visit : 48136